3.27.2007

X2 + 2001=Y3

1. Hanapin ang eks.

Utak ko’y gulong-gulo
Sa dami ng mga numero:
Isa, dalawa, tatlong libo
Pati na rin mga negatibo.

Nasa unang bilang pa lang ako
Tila hihimatayin na rito.
Puso’y kumakabig ng husto,
Pawis ay tulo ng tulo.

2. Gumawa ng graph.

O, Panginoon ko!
Tulungan niyo po ako!
Nawa’y alam ng katabi ko
Ang tamang sagot dito.

Kay damot naman nito,
Yapus- yapos ang kuwaderno
Waring ayaw magturo
Ng kahit na gasino.

3. --------------------

Hindi ko na mapagtanto
Mga nakasulat na simbolo.
Ngunit ‘di dapat sumuko
Kung ayaw magka-zero.

Paikut- ikot ang aking guro
At nakikiramdam ng husto.
‘Pag lumingon na sa ibayo
Ilalabas ko ang aking kodego.

Madali lang pala ang sagot dito
Konting dagdag at transpo
¾
Tinamaan ang aking ulo!
Inaykupo! Nahuli niya ako.

Salamat Algebra,
Nice meeting you talaga.